May isang istorya ako nabasa na naging dahilan kung bakit ko naisipang isulat itong post na ito. Ayon dun sa blog na naka link, may isang mag-asawa, na buntis, na gumawa ng website kung saan puede kang bumoto kung gusto mo na ipa-abort nila o ituloy ang pagbubuntis.
Sa pag imbestiga nitong website na ito, napag alaman nila na isa lamang pakana ng isang pro-life na mag asawa ang website nila na ito. Sapantaha nila, dahil sa alam ng mag asawa na ito na mas nakararami sa mga amerikano ang pro-choice, mananalo ang ipa-abort na choice sa botohan. Problema sa kanilang pag-iisip, hindi porke pro-choice ang isang tao, ibig sabihin boboto na siya na magpa abort na lang ng magpa abort.
Ang taong pro-choice ay naniniwala na ang desisyon pagtuloy o hindi ng pagbubuntis ay nakasalalay sa kung sino ang buntis. Siyempre, kung gusto niyang kausapin ang nakabuntis sa kanya, ang kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, o kung sino man, desisyon niya iyon. Pero ultimately, yung buntis pa rin ang mag dedesisyon.
Sa mga pro-life, wala dapat gawing desisyon pa ang babae, pag nabuntis siya, kailangan niya itong ituloy, kasi ang fetus ay buhay. Pero paano yung mga nabuntis dahil ni rape sila? Sa ganitong sitwasyon, puede ba na magpa-abort? Pano kung mamamatay yung babae dahil sa buntis siya? Puede ba magpa-abort sa ganitong sitwasyon? Paano kung may genetic defect yung fetus? Kung 10 na anak nung babae? Kung domestic abuser yung asawa niya? Kung wala siyang pera para mabigyan ng mabuting buhay yung magiging anak?
Merong sasagot diyan na oo sa lahat ng sitwasyon sa taas, meron na oo sa iba, hindi sa iba. Ang punto ay iba-iba ang pananaw ng bawat tao, iba't iba rin ang ating sitwasyon. Ang sinasabi lang ng pro-choice, yung taong nasa sitwasyon ang mag desisyon, kung ano man ang desisyon niya, iyon ay dapat nating igalang.
No comments:
Post a Comment