Ako po ay buong buhay na pasahero, mula nang estudyante pa ako hanggang nung nagtrabaho na ako. Ang problema ko sa debate sa trapik sa EDSA, ang mga nagdedebate ay yung mga tao na laging naka kotse. Yung mga tao na hindi na nakakaranas kung gaano kahirap sumakay ng bus sa EDSA kung rush hour, o kaya kung umuulan. Natatrapik sila sa EDSA, ang nakikita nila ay yung malalaking bus, at yun ang gusto nilang bawasan.
Kung kailangan talagang mabawasan ang bilang ng sasakyan sa EDSA, sa halip na maglagay tayo ng arbitrary na patakaran, bakit di na lang natin lagyan ng pang pinansiyal na insentibo. Una, puedeng babaan natin ang takdang pasahe sa bus, kung totoo ang sinasabi nila na bumibiyahe ang mga bus ng kalahati lang ang sakay, ibig sabihin noon ay kumikita ang mga bus maski na hindi sila puno. Ibig sabihin noon, puedeng babaan ang pasahe ng mga tao. Kakailanganin ngayon ng mga bus na magpuno ng bus para kumita, malulugi ngayon yung mga hindi makakapuno, mababawasan ang nagbibiyahe.
Puede rin, para naman mabawasan din ang mga kotse sa daan na lagyan natin ng bayad ang pag biyahe sa EDSA sa oras ng rush hour. Para yung lang talagang may kailangan na magbiyahe sa oras na ito ang mag biyahe. Yung mga hindi kaya na magbayad, di sumakay sila ng bus, o ng MRT. Tataas pa ang kita ng gobyerno.
No comments:
Post a Comment