Mayroong bagong panukalang batas para mas palakasin ang Freedom of Information sa ating bayan. Pero mayroong agam agam si Secretary Coloma ng dahil daw baka wala ng gawin ang mga taong gobyerno kundi mag responde sa mga humihingi ng impormasyon ("paralyzed by gratuituous requests for information.’’). Para hindi mangyari ito, maganda siguro kung ilagay na lang nila online lahat ng impormasyon, yung may gusto humingi, hanapin niya at i download yung gusto niya, wala ng oras na gugulin ang mga taong gobyerno.
Isa pang agam agam ni Secretary Coloma ay baka daw hindi na maging bukas ang mga taong gobyerno dahil kung baka mapahiya sila (access to transcripts and minutes of official meetings may diminish candid and open discussions by public officials.) Kung nakakahiya lang naman ang sasabihin nila, mabuti na nga na huwag na sila magsalita, para naman sa mga miting ng taong gobyerno, talagang pinag isipan ang kanilang mga sinasabi.
Mas bukas ang impormasyon sa tao, mas madali nating makikita kung nagloloko nga ang ating mga opisyal. Mas bukas ang impormasyon, mas maganda para sa tao.
No comments:
Post a Comment