Friday, November 26, 2010

Lotto

Wala pang nananalo sa jackpot sa lotto gusto ng bawasan ng mga Congressman yung ipapanalo. Sa isang inihaing resolusyon sa Kongreso, lilimitahan ang premyo sa 500 milyon at yung sobra ay donasyon na lamang daw.

Sabi ni Speaker Belmonte, maski 1 bilyon daw ang premyo o 500 milyon, di rin alam ng mananalo kung paano niya ito gagamitin. Pakialam ba niya kung pano gustong gamitin ng nanalo yung pera niya? Kung gusto niya itong sunugin lahat, hayaan mo siya, pera niya yon, wag niyong pakialaman ang pera ng may pera.

Nabanggit na lang ang pagsunog sa pera. Dito sa isang artikulo sa cracked napaka hirap manalo sa lotto. Sa 6/55 draw ng Pinas 1 sa 28,989,675 ang tsamba para manalo ka. At sa mga regular na tumataya sa lotto, para lang kayong nagtatapon ng pera, oo nga, minsan nananalo pero sa buong panahon na tumataya kayo, natatalo kayo.

At duon sa mga pinalad na manalo? Suerte sila, at sana huwag nilang waldasin yung pera nila.

No comments: