Friday, September 21, 2007

UP coach marooned

Una kong nabasa itong balita sa Manila Bulletin, pero mas maganda titulo ng istorya sa Inquirer.

Nasipa si Joe Lipa bilang coach ng UP. Hindi naman natin masisisi ang UP sa pagsipa kay coach Lipa dahil walang ipinanalong laro ang UP ngayon.

Medyo nalungkot lang ako dahil nung pumasok ako sa UP, si Lipa din ang coach noon at kaka-panalo lang ng UP ng championship (kaya alam niyo na kung gaano ako katanda). :)

2 comments:

The Nashman said...

pusha, ano naman kasi ang career win record ni joe lipa? naalala ko siya nung laging nasa bottom ng liga ang shell.....(or dahil ba wala pa si benjie paras noon)?

Roy C. Choco, FCD said...

May mga coach talaga na mas bagay ang style sa college o non-professional leagues kung saan glory at hindi pera ang motibasyon ng mga manlalaro. Sa Amerika madami din silang mga champion NCAA coaches na semplang pagdating sa pag coach sa NBA.

Bukod sa UP championship, may naipanalo din si Lipa na mga teams sa International o Asean competitions. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari sa UP ngayon, di na ko nakakapanood ng UAAP.